What happens if...

Sunday, March 26, 2006

Chapter 1: It all started when…

“Owi, Eli, Lex,“ sigaw ni Pao habang nilalaksan ang volume ng t.v.“Si Sam, si Sam, nasa ‘Liniment.”

“Saan, saan?” sabi namin habang natakbong papunta sa may sala.

Pagdating namin sa may sofa, tumalon ako at saktong napa-upo sa harapan ng t.v, tumigil naman sina Eli at Lex sa likod ng sofa at umupo sa sandalan ng upuan. Yan ang barkada namin, elementary pa lang – magkakasama na at gumigimmik sa iba’t ibang lugar. Pero iba na ngayon, third year highschool na kami. Ibang-iba ang Monrail Highshool sa school namin dati. Medyo malayo ang mga bahay namin sa school at tutal iisang skul lang ang papasukan namin kaya nag-decide kami na titira sa isang apartment. At third year highschool pa lang kami kaya medyo may pagkakapareho ang schedules namin, minsan nagkakapareho rin ng klase. At pagnagkataon, magiging magkaklase kami sa isang subject. Ibang-iba kasi talaga ang school na ito kaysa sa dati.

“Flash Report,” sabi sa balita at nawala ang magandang mukha ni Sam sa screen.

“Ahhhhh,” sabi namin na may tonong “sad-disappointed-and-a-little-bit-angry-because-Mr.-Gwapo-singing-on-the-tv-has-disappeared”.

“Kainis naman yan,” sabi ni Pao. “Pwede namang mamaya na lang i-announce ang balitang yan, sa kalagitnaan pa ng performance ni Sam.”

“Isang impormasyon ang nakuha ng aming reporter na siguradong ikakatuwa ng mga tiga-hanga ni Sam na pumapasok sa Monrail Highschool,” sabi sa report. Nakuha ang pansin namin ng marinig ang pangalan ng skul. “Ang nasabing singer at ang kasama niya sa kanyang banda ay papasok sa Monrail Highschool this year at nakakuha na sila ng kani-kanilang mga schedule kaya good luck na lang sa mga magiging kaklase nila.”

Then, “BOOM” nagsisisigaw kami hanggang sa mapaos kami. Nasigawan pa nga kami ng isang bakla sa katabi naming apartment.

“Hoy! Mga landitay, kung gusto niyong sumigaw ng sumigaw dun kayo sa may talahiban para naman may dahilan ang pagsisisigaw niyo!”

Nagkatinginan kami tapos sabay-sabay naming sinabi na may tonong nang-iinis-na-medyo-natatawa-na-may-halong-konting-tonong-bisaya-at-lasing.

“Ganyan talaga ‘ng buhay, walang inggitan.”

Tapos sabay-sabay kaming tumawa at tumili nang tumili. Namura pa nga kami nung bakla sa katabing apartment na medyo nabara namin kanina. Pero dahil sa sobrang tuwa namin, hindi na namin yon pinansin.

“Bukas na ang pasukan, woohhooo!!!” sigaw ko habang patalon-talon sa sofa.

“Owi, tanda-tanda mo na ganyan ka pa rin kumilos,” sabi ni Eli ng naka-ngiti.

“Ganyan talaga ‘ng buhay,” sabi ko sa tonong ginagamit namin para mang-asar.

“Walang inggitan,” dugtong ng tatlo kong kasama. At nagtawanan kami.

**************

It’s 4 o’clock in the morning, AaAaaAAaaAHHhhhhHHHhhH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Napabalikwas ako sa kama, ang sakit sa ulo ng sigaw ni Pao. Ni-record namin sa alarm clock para panggising sa umaga. Pagka-upo ko sa kama nakita ko sila na nag-aayos na para pumasok. Si Pao at Lex, nakabihis na at kumakain na ng breakfast habang pinapatuyo ang buhok nila. Si Eli naman, katatapos lang maligo at papunta sa dressing room. Ako na lang ang nasa kama pa, kailangan ko na ring kumilos. Nang nagawa ko na ang morning routines ko, ala-sais na. Kailangan na naming sumakay ng bus para hindi ma-late. Pagdating namin sa Monrail Highschool, naghiwa-hiwalay na kami at pumunta sa building ng unang subjects namin.

“Kita nalang tayo mamaya sa cafeteria,” pahabol na sabi ni Lex.

“Sige guys, text-text na lang,” dugtong ni Pao.

“Okie,” sigaw ng apat at nagmamadaling pumunta sa kanikanilang klase.

Pagpasok ko sa homeroom ko ibang-iba ang ayos ng upuan, para bang mag-tetest ka, ang lalayo kasi nila sa isa’t-isa. Umupo ako sa may pinakadulong silya sa kanan sa second to the last row. Konting sandali pa may pumasok na isang medyo may katandaan ng babae na nakasuot ng blouse at slacks at naka-salamin, siguro siya ang adviser namin, History III ang first subject ko kaya yon siguro ang ituturo niya. Nakaka-inis kasi medyo boring ang history, kaya nga yon ang una kong kinuha para hindi na ko ma-bored sa susunod. Ano na kayang ginagawa nina Pao, Lex at Eli? Nag-isip ako ng pwedeng mangyari sa ‘kin. Baka-mabunggo ko si Sam o kaya naman nahulog ako sa hagdanan tapos masambot niya. Nakikita ko ang sarili kong natakbo, madadapa ko then pupunta sa’kin si Sam tapos…

“Ms. Paterson, nasaktan ka ba?” malambing niyang itatanong. “Ms. Clowie?”

“Ms. Paterson, Ms. Clowie Paterson,” mataray na tanong ng isang boses.

Nananaginip ba ako? Bakit ganon, ang malambing na boses nawala?

“Paterson, paterson,” tawag sa’kin ng nasa likod ko. Tumingin ako sa likod, isang lalaking payat na naka-gel ang buhok ang nakita ko.

“Bakit?” tanong ko sa kanya na parang walang nangyayari.

“Nagro-roll call, ikaw na.”

“Last call for Ms. Paterson, Ms. Clowie Paterson,” sabi ng teacher.

“Ma’am, present po,” malakas na sabi ko habang tinataas ang kamay ko.

“You shouldn’t been sleeping around, dear,” mataray niyang sabi. “Next, Ms. Quijano, Ms. Nelly Quijano?”

“Present,” malakas na sabi ng babaeng naka-headband sa kaliwa ko.

Tumalikod ako ulit at tinignan ang lalaking nasa likod ko. May itsura naman siya, medyo maayos pumorma kaya lang dam-payat!

“Baket?” walang tono na tanong niya sa’kin.

“Ha?” pasimple kong sagot, napansin niya ata na nakatingin ako sa kanya.

“Bakit mo ko tinitignan?” tanong niya sa’kin habang naka-tingin din sa’kin.

Nag-iba ako ng tingin kasi bigla akong nailang sa kanya, nag-iisip ako ng pwedeng isagot pero wala akong ma-isip. Nagtanong siya ulit.

“Bakit mo ko tinitignan?”

“Ha? A…e, wala. Gusto ko lang mag-thank you kanina dun sa ginawa mo pero nagtataka lang ako kung paano mo nalaman yung pangalan ko,” sabi ko.

“Yun lang ba?” tanong niya tapos tinuro niya yung strap ng bag ko, meron nga palang pangalan ung bag ko. “Hindi mo kailangang magpasalamat, hindi ko naman ginawa yun para iligtas ka. Ginawa ko yun para hindi masayang ang buong period ng history class kakatawag ni Ms. Ross sa walang kwenta mong pangalan.”

0 Comments:

Post a Comment

<< Home