Chapter 2: The unexpected
First day, first subject spoiled na araw ko. Nakaka-inis yung lalaki, kung hindi ako nagkakamali – Eric ang pangalan niya. Yung lalaking yon panira ng araw, kainis. Hayaan mo na, kailangan ko ng magmadali sa susunod kong subject, Poetry. Siguro mas mag-eenjoy ako sa subject na ‘to, medyo may alam kasi ako sa Language at isa iyon sa mga paborito ko. Pagpasok ko doon ako umupo sa may gitnang column na second to the last row ng room. Medyo matagal ang teacher namin, kaya naman naglabas ako ng isang notebook, nagsulat ako, sinulat ko yung tungkol sa kinaiinisan kong lalaki. Maingay ang classroom dahil wala pa nga ang teacher, nagdadaldalan ang mga kaklase ko ako lang ang walang kausap kung hindi ang notebook ko. Ang ingay talaga pero nang tumayo ako at pasigaw na ko para sawayin ang mga kaklase ko biglang . . . nabingi ako sa dumaang katahimikan, walang kahit na anong ingay ang buong klase. Tumingin ako sa paligid ko tapos lahat sila nakatingin sa may pinto… kala ko dumating na ang teacher kaya bigla akong umupo. Pagka-upo ko, inayos ko ung mga gamit ko at umupo ako ng diretso. Pagtingin ko sa teacher’s table… wala, walang teacher. Eh, bakit sila tumahimik? Habang nag-iisip ako, biglang may dumaan sa harap ko at yung dumaan na yon umupo sa kanan ko. Tahimik parin ang buong klase, tinignan ko kung sino yung umupo sa tabi ko. Pagtingin ko… si Sam, si Sam Gregory, si Sam as in yung artista na super, super crush ko, namin pala. Tumingin ako sa kanya at hindi ko napigilan ang sarili kong tumitig. Ang ganda ng mga mata niya, magsisimula na
“Miss, pwede bang tumabi sayo?” sabi ng isang boses sa kaliwa ko. Kilala ko yung boses yon. Kilala ko talaga, hindi ko lang matandaan kung sino.
Tinignan ko kung sino ang nagsasalita. And guess who? Si Eric, ang lalaking nagsabi na walang kwenta ang pangalan ko. Well, sa palagay ko ngayon na ang oras para gumanti. Tumayo ako at sinampal si Eric, sinuntok ko siya siya sa chan at ng napayuko siya sinipa ko sa may “below-the-belt”. Biglang nagpalakpakan ang mga kaklase ko at nag-cheer sa pangalan ko. “PAT-ER-SON, PA-TER-SON!!!”
“
“Ah…e, hindi. Sige, sure pwede kang umpo sa tabi ko…” mahinahon kong sabi.
“Thank you,” naka-ngiti niyang sabi.
Kung magagawa ko lang na kahit sampalin ka lang hindi ka na makaka-ngiti dyan. Kaya lang pag-ginawa ko yon sira ang image ko kay Sam.
“Hindi mo kailangang pasalamatan, hindi ako pumayag dahil gusto kitang katabi, pumayag ako para may magremind sa ‘kin kung gaano kahalaga ang oras.”
Napa-ngiti ako sa ginawa ko. Umupo na siya sa kaliwa ko at bumukas ang pinto. May pumasok na isang middle age na lalaki na naka-camouflage at black na t-shirt na may nakasulat na “Tingin-tingin ka dyan?” Nagtaka tuloy ako kung siya nga ang teacher. Ang alam ko kasing mga professor sa Poetry, e yung mga mukhang seryoso yun bang naka-salamin at naka polo, hindi isang ‘trasher’.
“Ok class, what is poetry, what is the true meaning of it? But first I like to give a seatwork because…” matagal siyang napatigil at napa-ngiti siya. “I just want to.”
“………….” Walang expression ang klase, sa dati kong school pag nag bigay ang teacher ng seatwork kahit hindi unang araw ng klase, ba naman e tadtad ng laway ang mukha ng teacher dahil sa mga reklamo ng mga estudyante, pano pa kaya kung first day ng klase pa. Pero dito masyadong pino ang kilos, wala ni isa mang nagreklamo. Nagsimulang mag sulat ang teacher sa board, ni hindi man lang nagpakilala. Lahat ng estudyante kumuha ng notebook at nagsimulang kumopya ng mga pwedeng topics para sa gagawing poem. May tatlong topics, di ko masyadong maintindihan dahil masyadong malalalim ang mga ginamit niya tulad na lamang ng “Peril” at “Bleak”. Ang naintindihan ko lang e yung “Menace”. Wala akong choice kung hindi yung third topic kasi wala naman akong dalang dictionary. Menace, menace, napatingin ako sa kaliwa ko at yun nagkaroon na ko ng idea – si Eric, the Menace. Maikli pa lang ang naisusulat ko ng biglang nagsalita ang teacher namin.
“Mr. Clemente” tanong niya. “Who’s Mr. Clemente?”
Sino un? Kakatawa naman parang cement.
“Here Sir,” sabi ni Eric in a Brittish accent. “Why?”
“I love to hear your poem,” naka-ngiting sabi ng teacher na parang nang-aasar.
Ano? Si Eric, Clemente ang surname? Hindi ko napigilan ang sarili kong mapangiti.
“What’s funny, Miss?” tanong ng prof namin habang nakatingin sa’kin. “I think you love to share your poem so soon. Sure, you’ll share it after Mr. Clemente.”
“Sir, I beg your pardon,” sabi ni Eric in a Brittish accent pa rin. “It’s Kli-men-tey, not Clemente, although, it’s spelled that way.”
“I liked it better when it’s Kle-men-te,” naka-ngiting sabi ng teacher. “Now, share us the poem you have made.”
Pumunta si Eric sa harap, bilib ako sa ginawa niya. Ang ikli-ikling time pero nakagawa siya ng magandang poem. Kaya lang wala sa mga topic ang ni-recite niya.
I was blind before you came, my life is described by shame
What else could there be waiting? Isn’t this just life wasting?
“Mr. Clemente, I believe your topic is invalid,” makapamewang na sabi ng prof.
“So? Poetry is expressing yourself. The poet shouldn’t be behind the bars and not under time pressure,” sagot ni Eric. “You should have the freedom in writing.”
“And I believe that you can be free by walking out of this classroom,” sagot ng professor namin. “By the way, before you get out. I’m Mr. Lennox.”
“Nice to meet you, Mr. Lennox,” walang tonong sabi ni Eric.
Palabas na ng room si Eric nang hindi ko napigilan ang sarili kong tumayo.
“Sir, I think Mr. Clemente’ has a point,” sabi ko na medyo madahan.
“Explain your idea,” maikling sabi ni Mr.
“Poetry is expressing your feelings using words. You shouldn’t put the poet inside a box besides Mr. Clemente’s poem has an element of bleak, I think,” sabi ko.
“What’s the meaning of bleak, by the way,” tanong ni Mr.
Hindi ako makapag-salita, hindi ako sigurado kung lonely ang meaning ng bleak. Matagal akong natahimik, ng biglang lumakad si Eric papunta sa pinto at tumingin sa’kin. Natigilan ako sa tingin niya, kumikislap ang mata niya parang na-hihypnotize ako.
“It’s alright Clowie, I also want to get out, besides this person doesn’t know the true meaning of the subject,” walang tonong sabi ni Eric. “And another thing is, bleak means…”
0 Comments:
Post a Comment
<< Home