Chapter 3: Coincidence or Destiny?
“Lonely,” sabay naming nasabi. Nagulat ako, hindi ko akalaing masasabi ko yon. Parang kusang lumabas sa bibig ko. Parang may nagtulak sakin.
Naptingin ako sa paligid lahat sila naka-tingin sa ‘kin. Oo, pati si SAM!
“I believe you two have a chemistry within and,” sabi ni Mr.
Oh no! Is this true? Mapapalabas ako? Sa pangalawang subject napalabas ako. Kasalanan ko ba? Dapat bang magdusa ng gan’to? Bullsh*t. It’s all Eric’s fault.
“No, sir,” biglang sabi ni Eric. “I would like to believe that Ms. Paterson doesn’t deserve to be sent outside. She only expressed herself.”
Ha? Bakit? Bakit ako pinagtatakpan ni Eric? Meron ba kong ginawa para pagtakpan niya? Napatingin ao kay Eric, ba’t parang iba ang aura niya ngayon?
“Nice try, Mr. Clemente,” naka-ngiting sabi ni Mr.
Wala na akong magagawa kung hindi lumabas, this is the end of my scholarship. Kinuha ko ang bag ko at lumakad papunta sa pinto. Hindi pa rin lumalabas si Eric. Bakit? Hinihintay niya kaya ako? Impossible, bakit naman niya ko hihintayin? Nang makarating na ako sa pintuan, binuksan niya ang pinto.
“Ladies first,” sabi niya. “Ikaw muna para naman nakabawi ako sayo.”
Napatingin ako sa kanya, naka-ngiti siya. Pinapalabas kami, natutuwa pa siya? Siguro talagang binalak niya lang ‘to para mapahiya ako. Pero paano niyang nalaman na papanigan ko siya? Palabas na kami ng biglang nag salita si Mr. Lennox.
“You two,” malakas na sabi ni Mr.
Wala akong intension na tumingin, wala talaga. Ipahiya ka ba naman sa buong klase, sa harapan pa ni Sam? Pero dahil nga naman, sa stimuli ba yun? (Nakikinig ata ako sa biology namin) Ayun, bigla kaming napalingon ni Eric, hindi makontrol ang ulo.
“Mr. Clemente and Ms. Paterson,” pagpapatuloy ni Mr.
Hindi ako makapaniwala, exempted? Unang araw ng classes, exempted?
“Thank you, Mr. Lennox,” sabi ni Eric, na may Brittish accent pa rin at walang expression sa mukha, sa prof namin na para bang walang nangyari.
“Thank you, Sir,” sabi ko. Am I dreaming? And lahat ng ito dahil kay Eric.
“Labas na, bilisan mo,” sabi sa’kin ni Eric. “Ang kupad, kupad. Mas mabilis pa ata sayo ang paggong e. O kahit yata mga slugs.”
Eto nanaman siya, masyadong maskit magsalita. Pero hindi ako magpapatalo sa kaya, ako pa? Lumabas ako ng room, lumabas din siya. Nang nasaran na namin ung pinto, napa-upo si Eric.
“Whew,” sabi niya habang pinunasan ang pawis na nasa noo niya. “Ang inti noh?”
“Nay… kinabahan ka lang kanina noh?” sabi ko, nang-iinis. “Duwagers!”
“Oo na lang,” sabi niya na para bang napipikon na. “Ano gusto mong ice cream?”
“Nay, barado. Ini-iba pa ang usapan e,” sabi ko, nang nang-aasar. “Barado na, wala nang masabi. Baka naman gusto mo ng liquid sosa, baka matanggal ang bara.”
Wala na. Tumayo siya at lumapit sa’kin. Hinawakan ako sa ulo.
“Alam mo, ganyan talaga’ng buhay,” sabi niya. “Walang inggitan.”
A.! Wala akong nasabi. Ako pa ang nabara. Paano niya yun nalaman? E, kami lang ng mga kaibigan ko ang nag-pa-uso nun? Hindi ako maka-pag salita, akala ko tutuksuhin din niya ako pero instead inalok niya ako ulit.
“Gusto mo ba ng coffee crumble na flavor?” tanong niya.
Wala na akong masabi kung hindi, “oo” ano pa nga ba?
“Gusto mo?’ tanong sa’kin ni Eric. “Punta tayo sa cafeteria. Treat ko.”
“Seryoso ka?” tanong ko. Hindi lang ako makapaniwala.
“Oo naman,” sabi ni Eric. “Kahit pumuti pa ang uwak.”
Natawa ako sa sinabi niya. Alam kong gasgas na ang phrase na iyon pero iba ang pagkakasabi niya, may charisma, may charm.
“Ba’t ka natatawa?” tanong niya.
“Wala lang.”
******************
Pagdating namin sa cafeteria, dang-haba na pila!
“No way! Hindi ako pipila,” sabi ko at napa-atras.
“Huh? Sino bang may sabing pipila ka?” tanong niya.
“Bakit? Pipila ka ba para sa’kin?” tanong ko.
“Hindi, ano ako uto-uto?” sabi niya na para bang namimilosopo.
“E pano tayo bibili ng ice cream?” tanong ko.
“Sabi ko bang bibili tayo?”
“Oo. Kanina nung nandun tayo sa may hallway.”
“Ganon? Wala naman akong sinabing pipila tayo, diba?” tanong niya.
“Wala nga. E pano tayo makakakain ng ice cream?”
Pagkatanong ko, may lumapit sa ‘ming lalaki na naka-pula. Medyo mas matangkad kay Eric ng 2 inches. Inabot kay Eric ang dalawang sweet cone na may double scoop na coffee crumble. Na-freeze ako sa kinatatayuan ko.
“Does this answer your question?” tanong niya in a Brittish accent.
Inabot niya sa ‘kin ung ice cream na inabot ko naman agad. Bakit ganon? Lagi niya na lang akong napapatahimik? Sa dati kong school, walang maka-bara sa’kin, walang umuubra, e dito dalawang bes na kong nababara. Yun pang
“Punta tayo sa may bench?” sabi niya habang dinidilaan ang ice cream.
“Saan kaya yun? At bakit dun pa?” tanong ko.
“Mainit dito sa cafeteria, besides masarap tumambay dun.”
Nagpunta kami sa may bench sa ilalim ng isang puno. Tulad ng sinabi niya masarap ngang tumambay dun. Inaantok na ko nang naubos ko ang ice cream, masyado kasing malaki. Tinignan ko ang schedule ko … 10:30-Trigonometry sa may West Wing ng Building 3, Room 45. Saan yun? Hindi ko alam. Tatanungin ko
“Eric, eric,” sabi ko habang hinahatak ang polo niya. “ERIC!”
“Huh?” mahina niyang sabi, halatang bagong gising.
“Late na ko,” natataranta kong sabi.
“Anong oras ba ang next class mo?” tanong niya.
“10:30. Sa West Wing ng building 3. Sa room 45.”
Tumingin siya sa relos niya. At alam mo kung anong ginawa niya? Natulog ulit. Aarrgghh!!! Kakainis. Gusto ko na siyang patayin. Kamalas-malas ko. Tumayo ako at sinampal siya. Nagulat siya.
“Aray! Ang sakit nun ha,” sabi niya habang hinihimas ang kaliwang pisngi niya.
“Late na ko!” sigaw ko.
Pero wala pa ring epekto sa kanya. Tumalikod ako sa kanya at nagsimulang maglakad papalayo. Tumayo siya sa upuan at hinarangan ako.
“Umalis ka diyan,” mahina kong sabi na naka-tungo ang ulo.
Napapa-iyak na ko pero hindi pwede kailangan kong pigilan.
“Ano?”
“Alis sinabi e!” Tinulak ko siya at tumakbo papunta sa building 3.
Room 45. Room 45. Nasan na yun?
Ayun nakita ko na. Room 45.
Kinakabahan ako, tahimik sa loob. Baka masungit ang teacher, o baka nag ququiz sila. Ano ng gagawin ko? Bahala na. Hinawakan ko ang door knob at binuksan ang pinto. Pagpasok na pagpasok, yumuko at tumungo ako.
“Sir, sorry po. Naligaw po kasi ako. Hindi ko sinasadya. Sorry po talaga. Hindi na po mauulit. Pangako po. Sorry po.”
Matagal akong nakayuko, walang nasagot. Unti-unti kong tinaas ang ulo ko at… at WALANG TEACHER!!! Tinignan ko sa paligid at may isang estudyanteng naka-upo sa last row sa may kanan. Hindi ko maxadong nakilala, ang liwanag kasi sa likod niya, di ko makita ang mukha. Pahiya ako, buti na lang isa lang ang nakakita. Pero bakit wala pa ang teacher? Lumabas ako para siguraduhin kung tama ang room. Tama naman. Pagpasok ko yung lalaking estudyante nakatayo na sa malapit sa pinto.
“Aaaaahhhhhhh!!!!” sigaw ko. Hindi ko akalaing siya ang makikita ko. Napa-atras ako at natumba, hindi ko matanggal ang mga mata ko sa kanya. Tumigil ang oras sa mga panhong iyon. Hindi ako makakilos, parang nanigas ang buong katawan ko.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home