Chapter 4: The scene
“Miss, miss. Ayos ka lang ba?” mahinang tanong ng lalaki.
“A. e………..” matagal akong hindi naka-imik. Bakit kamukha siya ni Eric?
“Pasensya ka na. Di ko sinasadyang takutin ka. Ayos ka lang ba?”
“A..e… Eric?” tanong ko. Takang-taka ako kung pano naka-punta dun si Eric kaagad,e samantalang naiwan ko siya sa may bench at sure akong mabilis akong tumakbo. Kaya imposibleng naunahan niya ko dito. At isa pa, bakit ang amo ng mukha niya? At paano siya nag-karoon ng pulang highlights sa buhok?
“E miss, ayos ka lang ba ha?” tanong niya ulit.
“A….oo. Ayos lang.” sagot ko. “Dito ba ang room 45, west wing ng building 3?”
“Sorry miss, east wing kasi to e,” sagot niya. “Bago ka lang ba dito?”
Ba’t ganun? Baka nga hindi to si Eric. Pero bakit pamiliar ang mukha niya?
“Miss,” sabi niya sa’kin at hiningi ang kamay ko. “Tulungan na kitang maghanap.”
Ano pa nga bang dapat kong gawin? Inabot ko ang kamay niya at tumayo.
“Thanks, pasensya ka na ha,” sabi ko habang pinupulot ang gamit ko.
Tumulong din siya. Nagpulot din, naalala ko – meron nga pala akong dalang rattle, yung pambata. Lucky charm ko yun, nakakahiya pagnakita niya. Kainis. Madali kong hinanap yung rattle, nakita ko hawak na niya. Patay.
“O,” sabi niya at ini-abot ang hawak niya pero hindi niya binigay ang rattle.
Kinuha ko ung mga notebooks. Pati ung ballpen ko sa kanya at inilagay ko iyon sa backpack ko. Ano ba itong nangyayari.
“Halika na, baka ma-late ka sa next class mo,” sabi niya at tumalikod sa’kin.
Pano na yung rattle ko? Hindi ko pwedeng kuhanin na lang basta. Nilagay ko ang bag ko sa likod at tumakbo papunta sa tabi niya.
“A…e…” sabi ko. Pilit kong iniisip kung papaano kukuhanin ang rattle ko.
“Yung rattle mo?” tanong niya na para bang nabasa niya ang isip ko.
“E…ano. Oo. Bigay kasi sa’kin yan ni mama,” sabi ko na nayuko, nakakahiya.
Tumingin siya sa’kin. Napatingin din ako sa kanya. Ngumiti siya at may hinugot galing sa bulsa, isang rattle din. Katulad ng rattle ko, ang pinagkaiba lang kulay pink ung hawakan, sa’kin blue.
“Meron din ako. Bigay ni mama,” sabi niya na naka-ngiti.
Napa-ngiti din ako. Hindi ko namalayang nasa room 45 na kami.
“Sige, kita tayo sa may school cafeteria mamaya,” sabi niya at kumaway. “
Wala na kong nagawa kung hindi pumasok sa room. Pagbukas ko, medyo madami na ang estudyante pero wala pang teacher. Yes! Di pa ako na-late. Woohoo!!! Umupo na ko sa isang bakanteng upuan. Maayos naman ang naging klase ko. For the first time walang anu mang nangyaring problema. Hindi ko namalayan. Lunch na pala.
Tumunog na ang class bell. Labasan na. Tinignan ko ang cell ko, two messages. Si Pao at Lex, parehong message – San ka? Magkita tayo sa cafeteria. Nagpunta ako sa school cafeteria, un ang una kong natandaan na place sa buong school. Pagdating ko don, nakita ko sina Eli nandun sa table at kinawayan ako. Napangiti ako at pumunta sa mesa nila. Naka-order na sila at nilabas ni Eli ang kwintas niya na bigay sa kanya ng mama niya. Meron din ako, lucky charm. Kinapa ko ang bulsa ng bag ko para kuhanin yung rattle ko na bigay ni mama. Kapa…Kapa… Bakit ganun? Wala, walang rattle. Nagpapanik na ako, hindi ko matandaan kung saan ko nilagay. Napansin nina Eli na paluha na ako.
“Owie, anong problema?” tanong ni Lex. “May sakit ka ba?”
Hindi ako makapagsalita, para akong mahihimatay.
“Ano ka ba, kahit nga sampalin mo yan hindi yan mapapaiyak yun pang magkasakit lang?” tanong ni Eli na para bang nagbibiro.
Ayokong may makakita sakin habang umiiyak. Kailangan kong umalis dito. Tumayo ako at tumakbo palabas ng cafeteria. Alam kong hahayaan muna ako mapag-isa nila Eli dahil simula bata pa lang ganito na ugali ko at alam na nila yun. Tumakbo ako sa likod ng building 3. Walang masyadong tao doon, umupo ako sa isang sulok. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko, paano ko nawala ang isang bagay na bigay sa’kin ni mama? Ganito ba talaga kahina ang utak ko? Masakit ang ulo ko, idagdag mo pa ang nawala kong rattle at ang init ng araw. Gusto ko ng magpahinga…
Patuloy akong umiiyak nang biglang nawala ang init ng araw at lumilim. Humahangin ng malakas, ewan ko kung imagination ko lang yun.
“BAKIT!!!” sigaw ko. Sa mga panahong yon biglang may pumatak na tubig sa braso ko. Isa, dalawa sa ulo ko at bigla nang bumagsak ang mga maninipis na butil ng tubig. Ang sarap ng pakiramdam… na mabasa ng tubig. Nakakapagpagaan ng tubig. Tumunog ang cell ko ng mga oras na yon. Sila Eli, sabi ko na nga ba hindi nila ako matitiis eh, pero ano bang pumasok sa isip ko at tinanggal ko ang battery? Masarap talaga ang pakiramdam ng nababasa, gusto kong matulog sa mga oras na iyon.
……….
Pero teka, bakit tumigil ang mga patak? Samantalang naririnig ko pa ang mga pagtama ng ulan sa bubong n building?
“Miss,” bulong ng isang boses sa’kin.
“Baket?” tanong ko ng hindi tumitingin.
“Bakit nga nagpapakabasa?”
Wala akong naisagot kaya napilitan kong itaas ang ulo ko para tignan kung saan ng gagaling ang boses, at iyon nakita ko siya. Nakangiti at ang amo ng mukha. Nakita ko na siya, hindi ko lang matandaaan… kung saan…
***************
Namalayan ko na lang na nasa isang kwarto ako. Paano ako napunta dito? Wala akong matandaan, ang huli kong natatandaan – nandun ako sa sulok at ang lalaking yun… ang maamo niyang mukha.
“Sa wakas nagising ka na rin,” sabi sa’kin ni Lex.
“Ha?” sagot ko. “Ano bang nangyari? Natulog ba ko?”
“Anong natulog, nahimatay ka nga,” sabi ni Eli.
“Nahimatay? Ako?” tanong ko. “A-SA!!!”
“Oo noh?!” sabi ni Lex. “Tama bang magpakabasa sa ulan?”
“Buti nga niligtas ka ni Xyrus,” dugtong ni Eli.
“Eh teka. Asan si Pao?” tanong ko at pilit iniiba ang usapan.
“Hay naku, iniiba pa ang usapan,” sabi ni Lex na parang nang-aasar.
“Andun sa labas kasama si Xyrus,” sagot ni Eli sa tanong ko.
Tatayo na dapat ako para puntahan si Xyrus pero biglang pumasok si Pao.
“O,” sabi niya at iniabot sa’kin ang isang rattle.
“Yey, my lucky rattle,” sabi ko at kinuha ang rattle. “I love you so much.”
“Tiganan mo ‘to si Owie may topak nanaman,” sabi ni Lex.
“Naka-tira ka ba?” tanong ni Eli. “Katol o pambura?
“A-sa!” sabi ko. “Paano mo ako makakatira e di mo naman ako binibigyan?”
Tumahimik ang buong kwarto. Nagkatinginan kami. Walang nagasasalita ng biglang napahagikgik ako, na sinundan ni Pao. Di na rin napigilan ng dalawa at tumawa na. Nagtawanan kami ng nagtawanan. Di ko namalayan na tapos na ang lunch break. Kailangan na naming bumalik sa mga klase namin. Walang naging problema sa mga sumunod kong subjects, kaya lang di ko na kaklase si Sam. Kala ko di ko na siya makikita, nang nag-break na kami. Kailangan kong pumunta sa building 5, south wing – room 120, huli kong klase.
Paglabas ko ng building, ayun, si Sam. Si Sam nga. Dati nabasa ko sa magazine na naniniwala si Sam sa destiny. Ano kay kung banggain ko siya? Kunwari hindi sinasadya tapos matutumba kami. Ayan na papalapit na sa’kin, ano ang gagawin ko? Bahala na. Tumakbo ako papunta sa kanya, ayan na. Mababangga na, 5 seconds to meet Sam, this is my chance and … 5, 4, 3, 2…
0 Comments:
Post a Comment
<< Home