What happens if...

Friday, March 31, 2006

Chapter 4: The scene

“Miss, miss. Ayos ka lang ba?” mahinang tanong ng lalaki.

“A. e………..” matagal akong hindi naka-imik. Bakit kamukha siya ni Eric?

“Pasensya ka na. Di ko sinasadyang takutin ka. Ayos ka lang ba?”

“A..e… Eric?” tanong ko. Takang-taka ako kung pano naka-punta dun si Eric kaagad,e samantalang naiwan ko siya sa may bench at sure akong mabilis akong tumakbo. Kaya imposibleng naunahan niya ko dito. At isa pa, bakit ang amo ng mukha niya? At paano siya nag-karoon ng pulang highlights sa buhok?

“E miss, ayos ka lang ba ha?” tanong niya ulit.

“A….oo. Ayos lang.” sagot ko. “Dito ba ang room 45, west wing ng building 3?”

“Sorry miss, east wing kasi to e,” sagot niya. “Bago ka lang ba dito?”

Ba’t ganun? Baka nga hindi to si Eric. Pero bakit pamiliar ang mukha niya?

“Miss,” sabi niya sa’kin at hiningi ang kamay ko. “Tulungan na kitang maghanap.”

Ano pa nga bang dapat kong gawin? Inabot ko ang kamay niya at tumayo.

“Thanks, pasensya ka na ha,” sabi ko habang pinupulot ang gamit ko.

Tumulong din siya. Nagpulot din, naalala ko – meron nga pala akong dalang rattle, yung pambata. Lucky charm ko yun, nakakahiya pagnakita niya. Kainis. Madali kong hinanap yung rattle, nakita ko hawak na niya. Patay.

“O,” sabi niya at ini-abot ang hawak niya pero hindi niya binigay ang rattle.

Kinuha ko ung mga notebooks. Pati ung ballpen ko sa kanya at inilagay ko iyon sa backpack ko. Ano ba itong nangyayari.

“Halika na, baka ma-late ka sa next class mo,” sabi niya at tumalikod sa’kin.

Pano na yung rattle ko? Hindi ko pwedeng kuhanin na lang basta. Nilagay ko ang bag ko sa likod at tumakbo papunta sa tabi niya.

“A…e…” sabi ko. Pilit kong iniisip kung papaano kukuhanin ang rattle ko.

“Yung rattle mo?” tanong niya na para bang nabasa niya ang isip ko.

“E…ano. Oo. Bigay kasi sa’kin yan ni mama,” sabi ko na nayuko, nakakahiya.

Tumingin siya sa’kin. Napatingin din ako sa kanya. Ngumiti siya at may hinugot galing sa bulsa, isang rattle din. Katulad ng rattle ko, ang pinagkaiba lang kulay pink ung hawakan, sa’kin blue.

“Meron din ako. Bigay ni mama,” sabi niya na naka-ngiti.

Napa-ngiti din ako. Hindi ko namalayang nasa room 45 na kami.

“Sige, kita tayo sa may school cafeteria mamaya,” sabi niya at kumaway. “Doon ko na lang ibabalik ang rattle mo.”

Wala na kong nagawa kung hindi pumasok sa room. Pagbukas ko, medyo madami na ang estudyante pero wala pang teacher. Yes! Di pa ako na-late. Woohoo!!! Umupo na ko sa isang bakanteng upuan. Maayos naman ang naging klase ko. For the first time walang anu mang nangyaring problema. Hindi ko namalayan. Lunch na pala.

Tumunog na ang class bell. Labasan na. Tinignan ko ang cell ko, two messages. Si Pao at Lex, parehong message – San ka? Magkita tayo sa cafeteria. Nagpunta ako sa school cafeteria, un ang una kong natandaan na place sa buong school. Pagdating ko don, nakita ko sina Eli nandun sa table at kinawayan ako. Napangiti ako at pumunta sa mesa nila. Naka-order na sila at nilabas ni Eli ang kwintas niya na bigay sa kanya ng mama niya. Meron din ako, lucky charm. Kinapa ko ang bulsa ng bag ko para kuhanin yung rattle ko na bigay ni mama. Kapa…Kapa… Bakit ganun? Wala, walang rattle. Nagpapanik na ako, hindi ko matandaan kung saan ko nilagay. Napansin nina Eli na paluha na ako.

“Owie, anong problema?” tanong ni Lex. “May sakit ka ba?”

Hindi ako makapagsalita, para akong mahihimatay.

“Ano ka ba, kahit nga sampalin mo yan hindi yan mapapaiyak yun pang magkasakit lang?” tanong ni Eli na para bang nagbibiro.

Ayokong may makakita sakin habang umiiyak. Kailangan kong umalis dito. Tumayo ako at tumakbo palabas ng cafeteria. Alam kong hahayaan muna ako mapag-isa nila Eli dahil simula bata pa lang ganito na ugali ko at alam na nila yun. Tumakbo ako sa likod ng building 3. Walang masyadong tao doon, umupo ako sa isang sulok. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko, paano ko nawala ang isang bagay na bigay sa’kin ni mama? Ganito ba talaga kahina ang utak ko? Masakit ang ulo ko, idagdag mo pa ang nawala kong rattle at ang init ng araw. Gusto ko ng magpahinga…

Patuloy akong umiiyak nang biglang nawala ang init ng araw at lumilim. Humahangin ng malakas, ewan ko kung imagination ko lang yun. Sana umulan, sana pumatak ang tubig galing sa kalangitan. Sana matakpan ng ulan ang mga luhang tumutulo sa aking mga mata. Sana, sana umulan. Naramdaman ko nanaman ang init ng araw, nakakainis bakit ayaw pumatak ng ulan? Bakit ba pag ako ang humiling, ayaw Niyang pagbigyan? Bakit?

“BAKIT!!!” sigaw ko. Sa mga panahong yon biglang may pumatak na tubig sa braso ko. Isa, dalawa sa ulo ko at bigla nang bumagsak ang mga maninipis na butil ng tubig. Ang sarap ng pakiramdam… na mabasa ng tubig. Nakakapagpagaan ng tubig. Tumunog ang cell ko ng mga oras na yon. Sila Eli, sabi ko na nga ba hindi nila ako matitiis eh, pero ano bang pumasok sa isip ko at tinanggal ko ang battery? Masarap talaga ang pakiramdam ng nababasa, gusto kong matulog sa mga oras na iyon.

……….

Pero teka, bakit tumigil ang mga patak? Samantalang naririnig ko pa ang mga pagtama ng ulan sa bubong n building?

“Miss,” bulong ng isang boses sa’kin.

“Baket?” tanong ko ng hindi tumitingin.

“Bakit nga nagpapakabasa?”

Wala akong naisagot kaya napilitan kong itaas ang ulo ko para tignan kung saan ng gagaling ang boses, at iyon nakita ko siya. Nakangiti at ang amo ng mukha. Nakita ko na siya, hindi ko lang matandaaan… kung saan…

***************

Namalayan ko na lang na nasa isang kwarto ako. Paano ako napunta dito? Wala akong matandaan, ang huli kong natatandaan – nandun ako sa sulok at ang lalaking yun… ang maamo niyang mukha.

“Sa wakas nagising ka na rin,” sabi sa’kin ni Lex.

“Ha?” sagot ko. “Ano bang nangyari? Natulog ba ko?”

“Anong natulog, nahimatay ka nga,” sabi ni Eli.

“Nahimatay? Ako?” tanong ko. “A-SA!!!”

“Oo noh?!” sabi ni Lex. “Tama bang magpakabasa sa ulan?”

“Buti nga niligtas ka ni Xyrus,” dugtong ni Eli.

“Eh teka. Asan si Pao?” tanong ko at pilit iniiba ang usapan.

“Hay naku, iniiba pa ang usapan,” sabi ni Lex na parang nang-aasar.

“Andun sa labas kasama si Xyrus,” sagot ni Eli sa tanong ko.

Tatayo na dapat ako para puntahan si Xyrus pero biglang pumasok si Pao.

“O,” sabi niya at iniabot sa’kin ang isang rattle.

“Yey, my lucky rattle,” sabi ko at kinuha ang rattle. “I love you so much.”

“Tiganan mo ‘to si Owie may topak nanaman,” sabi ni Lex.

“Naka-tira ka ba?” tanong ni Eli. “Katol o pambura?

“A-sa!” sabi ko. “Paano mo ako makakatira e di mo naman ako binibigyan?”

Tumahimik ang buong kwarto. Nagkatinginan kami. Walang nagasasalita ng biglang napahagikgik ako, na sinundan ni Pao. Di na rin napigilan ng dalawa at tumawa na. Nagtawanan kami ng nagtawanan. Di ko namalayan na tapos na ang lunch break. Kailangan na naming bumalik sa mga klase namin. Walang naging problema sa mga sumunod kong subjects, kaya lang di ko na kaklase si Sam. Kala ko di ko na siya makikita, nang nag-break na kami. Kailangan kong pumunta sa building 5, south wing – room 120, huli kong klase.

Paglabas ko ng building, ayun, si Sam. Si Sam nga. Dati nabasa ko sa magazine na naniniwala si Sam sa destiny. Ano kay kung banggain ko siya? Kunwari hindi sinasadya tapos matutumba kami. Ayan na papalapit na sa’kin, ano ang gagawin ko? Bahala na. Tumakbo ako papunta sa kanya, ayan na. Mababangga na, 5 seconds to meet Sam, this is my chance and … 5, 4, 3, 2…

Tuesday, March 28, 2006

Chapter 3: Coincidence or Destiny?

“Lonely,” sabay naming nasabi. Nagulat ako, hindi ko akalaing masasabi ko yon. Parang kusang lumabas sa bibig ko. Parang may nagtulak sakin.

Naptingin ako sa paligid lahat sila naka-tingin sa ‘kin. Oo, pati si SAM!

“I believe you two have a chemistry within and,” sabi ni Mr. Lennox na nakatingin sa ‘kin. “I believe Mr. Clemente would like your company outside.”

Oh no! Is this true? Mapapalabas ako? Sa pangalawang subject napalabas ako. Kasalanan ko ba? Dapat bang magdusa ng gan’to? Bullsh*t. It’s all Eric’s fault.

“No, sir,” biglang sabi ni Eric. “I would like to believe that Ms. Paterson doesn’t deserve to be sent outside. She only expressed herself.”

Ha? Bakit? Bakit ako pinagtatakpan ni Eric? Meron ba kong ginawa para pagtakpan niya? Napatingin ao kay Eric, ba’t parang iba ang aura niya ngayon?

“Nice try, Mr. Clemente,” naka-ngiting sabi ni Mr. Lennox. “Now, both of you, out.”

Wala na akong magagawa kung hindi lumabas, this is the end of my scholarship. Kinuha ko ang bag ko at lumakad papunta sa pinto. Hindi pa rin lumalabas si Eric. Bakit? Hinihintay niya kaya ako? Impossible, bakit naman niya ko hihintayin? Nang makarating na ako sa pintuan, binuksan niya ang pinto.

“Ladies first,” sabi niya. “Ikaw muna para naman nakabawi ako sayo.”

Napatingin ako sa kanya, naka-ngiti siya. Pinapalabas kami, natutuwa pa siya? Siguro talagang binalak niya lang ‘to para mapahiya ako. Pero paano niyang nalaman na papanigan ko siya? Palabas na kami ng biglang nag salita si Mr. Lennox.

“You two,” malakas na sabi ni Mr. Lennox.

Wala akong intension na tumingin, wala talaga. Ipahiya ka ba naman sa buong klase, sa harapan pa ni Sam? Pero dahil nga naman, sa stimuli ba yun? (Nakikinig ata ako sa biology namin) Ayun, bigla kaming napalingon ni Eric, hindi makontrol ang ulo.

“Mr. Clemente and Ms. Paterson,” pagpapatuloy ni Mr. Lennox. “I would like to inform you that both of you got a perfect score in today’s seatwork and are exempted to take the quiz tomorrow. Thank you. You may have an early break.”

Hindi ako makapaniwala, exempted? Unang araw ng classes, exempted?

“Thank you, Mr. Lennox,” sabi ni Eric, na may Brittish accent pa rin at walang expression sa mukha, sa prof namin na para bang walang nangyari.

“Thank you, Sir,” sabi ko. Am I dreaming? And lahat ng ito dahil kay Eric.

“Labas na, bilisan mo,” sabi sa’kin ni Eric. “Ang kupad, kupad. Mas mabilis pa ata sayo ang paggong e. O kahit yata mga slugs.”

Eto nanaman siya, masyadong maskit magsalita. Pero hindi ako magpapatalo sa kaya, ako pa? Lumabas ako ng room, lumabas din siya. Nang nasaran na namin ung pinto, napa-upo si Eric. Para siyang nang hina.

“Whew,” sabi niya habang pinunasan ang pawis na nasa noo niya. “Ang inti noh?”

“Nay… kinabahan ka lang kanina noh?” sabi ko, nang-iinis. “Duwagers!”

“Oo na lang,” sabi niya na para bang napipikon na. “Ano gusto mong ice cream?”

“Nay, barado. Ini-iba pa ang usapan e,” sabi ko, nang nang-aasar. “Barado na, wala nang masabi. Baka naman gusto mo ng liquid sosa, baka matanggal ang bara.”

Wala na. Tumayo siya at lumapit sa’kin. Hinawakan ako sa ulo.

“Alam mo, ganyan talaga’ng buhay,” sabi niya. “Walang inggitan.”

A.! Wala akong nasabi. Ako pa ang nabara. Paano niya yun nalaman? E, kami lang ng mga kaibigan ko ang nag-pa-uso nun? Hindi ako maka-pag salita, akala ko tutuksuhin din niya ako pero instead inalok niya ako ulit.

“Gusto mo ba ng coffee crumble na flavor?” tanong niya.

Wala na akong masabi kung hindi, “oo” ano pa nga ba?

“Gusto mo?’ tanong sa’kin ni Eric. “Punta tayo sa cafeteria. Treat ko.”

“Seryoso ka?” tanong ko. Hindi lang ako makapaniwala.

“Oo naman,” sabi ni Eric. “Kahit pumuti pa ang uwak.”

Natawa ako sa sinabi niya. Alam kong gasgas na ang phrase na iyon pero iba ang pagkakasabi niya, may charisma, may charm.

“Ba’t ka natatawa?” tanong niya.

“Wala lang.”

******************

Pagdating namin sa cafeteria, dang-haba na pila!

“No way! Hindi ako pipila,” sabi ko at napa-atras.

“Huh? Sino bang may sabing pipila ka?” tanong niya.

“Bakit? Pipila ka ba para sa’kin?” tanong ko.

“Hindi, ano ako uto-uto?” sabi niya na para bang namimilosopo.

“E pano tayo bibili ng ice cream?” tanong ko.

“Sabi ko bang bibili tayo?”

“Oo. Kanina nung nandun tayo sa may hallway.”

“Ganon? Wala naman akong sinabing pipila tayo, diba?” tanong niya.

“Wala nga. E pano tayo makakakain ng ice cream?”

Pagkatanong ko, may lumapit sa ‘ming lalaki na naka-pula. Medyo mas matangkad kay Eric ng 2 inches. Inabot kay Eric ang dalawang sweet cone na may double scoop na coffee crumble. Na-freeze ako sa kinatatayuan ko.

“Does this answer your question?” tanong niya in a Brittish accent.

Inabot niya sa ‘kin ung ice cream na inabot ko naman agad. Bakit ganon? Lagi niya na lang akong napapatahimik? Sa dati kong school, walang maka-bara sa’kin, walang umuubra, e dito dalawang bes na kong nababara. Yun pang gaya ni Eric, bakit?

“Punta tayo sa may bench?” sabi niya habang dinidilaan ang ice cream.

“Saan kaya yun? At bakit dun pa?” tanong ko.

“Mainit dito sa cafeteria, besides masarap tumambay dun.”

Nagpunta kami sa may bench sa ilalim ng isang puno. Tulad ng sinabi niya masarap ngang tumambay dun. Inaantok na ko nang naubos ko ang ice cream, masyado kasing malaki. Tinignan ko ang schedule ko … 10:30-Trigonometry sa may West Wing ng Building 3, Room 45. Saan yun? Hindi ko alam. Tatanungin ko sana si Eric pero pagtingin ko tulog na siya. Nakaw! Hinanap ko kung may suot siyang relos, nakita ko na. Ang ganda, mamahalin ung brand – kumikislap pa. Pagtingin ko sa orasan. Gumuho ang mundo ko. 10:35 na. Hindi ako makasigaw, parang may bumara sa lalamunan ko. Hindi ko alam ang gagawin, hindi ako “magkanda-ugaga”. Niyugyog ko si Eric.

“Eric, eric,” sabi ko habang hinahatak ang polo niya. “ERIC!”

“Huh?” mahina niyang sabi, halatang bagong gising.

“Late na ko,” natataranta kong sabi.

“Anong oras ba ang next class mo?” tanong niya.

“10:30. Sa West Wing ng building 3. Sa room 45.”

Tumingin siya sa relos niya. At alam mo kung anong ginawa niya? Natulog ulit. Aarrgghh!!! Kakainis. Gusto ko na siyang patayin. Kamalas-malas ko. Tumayo ako at sinampal siya. Nagulat siya.

“Aray! Ang sakit nun ha,” sabi niya habang hinihimas ang kaliwang pisngi niya.

“Late na ko!” sigaw ko.

Pero wala pa ring epekto sa kanya. Tumalikod ako sa kanya at nagsimulang maglakad papalayo. Tumayo siya sa upuan at hinarangan ako.

“Umalis ka diyan,” mahina kong sabi na naka-tungo ang ulo.

Napapa-iyak na ko pero hindi pwede kailangan kong pigilan.

“Ano?”

“Alis sinabi e!” Tinulak ko siya at tumakbo papunta sa building 3.

Room 45. Room 45. Nasan na yun?

Ayun nakita ko na. Room 45.

Kinakabahan ako, tahimik sa loob. Baka masungit ang teacher, o baka nag ququiz sila. Ano ng gagawin ko? Bahala na. Hinawakan ko ang door knob at binuksan ang pinto. Pagpasok na pagpasok, yumuko at tumungo ako.

“Sir, sorry po. Naligaw po kasi ako. Hindi ko sinasadya. Sorry po talaga. Hindi na po mauulit. Pangako po. Sorry po.”

Matagal akong nakayuko, walang nasagot. Unti-unti kong tinaas ang ulo ko at… at WALANG TEACHER!!! Tinignan ko sa paligid at may isang estudyanteng naka-upo sa last row sa may kanan. Hindi ko maxadong nakilala, ang liwanag kasi sa likod niya, di ko makita ang mukha. Pahiya ako, buti na lang isa lang ang nakakita. Pero bakit wala pa ang teacher? Lumabas ako para siguraduhin kung tama ang room. Tama naman. Pagpasok ko yung lalaking estudyante nakatayo na sa malapit sa pinto.

“Aaaaahhhhhhh!!!!” sigaw ko. Hindi ko akalaing siya ang makikita ko. Napa-atras ako at natumba, hindi ko matanggal ang mga mata ko sa kanya. Tumigil ang oras sa mga panhong iyon. Hindi ako makakilos, parang nanigas ang buong katawan ko.

Chapter 2: The unexpected

First day, first subject spoiled na araw ko. Nakaka-inis yung lalaki, kung hindi ako nagkakamali – Eric ang pangalan niya. Yung lalaking yon panira ng araw, kainis. Hayaan mo na, kailangan ko ng magmadali sa susunod kong subject, Poetry. Siguro mas mag-eenjoy ako sa subject na ‘to, medyo may alam kasi ako sa Language at isa iyon sa mga paborito ko. Pagpasok ko doon ako umupo sa may gitnang column na second to the last row ng room. Medyo matagal ang teacher namin, kaya naman naglabas ako ng isang notebook, nagsulat ako, sinulat ko yung tungkol sa kinaiinisan kong lalaki. Maingay ang classroom dahil wala pa nga ang teacher, nagdadaldalan ang mga kaklase ko ako lang ang walang kausap kung hindi ang notebook ko. Ang ingay talaga pero nang tumayo ako at pasigaw na ko para sawayin ang mga kaklase ko biglang . . . nabingi ako sa dumaang katahimikan, walang kahit na anong ingay ang buong klase. Tumingin ako sa paligid ko tapos lahat sila nakatingin sa may pinto… kala ko dumating na ang teacher kaya bigla akong umupo. Pagka-upo ko, inayos ko ung mga gamit ko at umupo ako ng diretso. Pagtingin ko sa teacher’s table… wala, walang teacher. Eh, bakit sila tumahimik? Habang nag-iisip ako, biglang may dumaan sa harap ko at yung dumaan na yon umupo sa kanan ko. Tahimik parin ang buong klase, tinignan ko kung sino yung umupo sa tabi ko. Pagtingin ko… si Sam, si Sam Gregory, si Sam as in yung artista na super, super crush ko, namin pala. Tumingin ako sa kanya at hindi ko napigilan ang sarili kong tumitig. Ang ganda ng mga mata niya, magsisimula na sana ako ng usapan, magsasalita na sana ako nang biglang may nagsalita sa kaliwa ko.

“Miss, pwede bang tumabi sayo?” sabi ng isang boses sa kaliwa ko. Kilala ko yung boses yon. Kilala ko talaga, hindi ko lang matandaan kung sino.

Tinignan ko kung sino ang nagsasalita. And guess who? Si Eric, ang lalaking nagsabi na walang kwenta ang pangalan ko. Well, sa palagay ko ngayon na ang oras para gumanti. Tumayo ako at sinampal si Eric, sinuntok ko siya siya sa chan at ng napayuko siya sinipa ko sa may “below-the-belt”. Biglang nagpalakpakan ang mga kaklase ko at nag-cheer sa pangalan ko. “PAT-ER-SON, PA-TER-SON!!!”

Paterson, hey Paterson,” sabi ni Eric. “Nag-dedaydreaming ka nanaman ba?”

“Ah…e, hindi. Sige, sure pwede kang umpo sa tabi ko…” mahinahon kong sabi.

“Thank you,” naka-ngiti niyang sabi.

Kung magagawa ko lang na kahit sampalin ka lang hindi ka na makaka-ngiti dyan. Kaya lang pag-ginawa ko yon sira ang image ko kay Sam.

“Hindi mo kailangang pasalamatan, hindi ako pumayag dahil gusto kitang katabi, pumayag ako para may magremind sa ‘kin kung gaano kahalaga ang oras.”

Napa-ngiti ako sa ginawa ko. Umupo na siya sa kaliwa ko at bumukas ang pinto. May pumasok na isang middle age na lalaki na naka-camouflage at black na t-shirt na may nakasulat na “Tingin-tingin ka dyan?” Nagtaka tuloy ako kung siya nga ang teacher. Ang alam ko kasing mga professor sa Poetry, e yung mga mukhang seryoso yun bang naka-salamin at naka polo, hindi isang ‘trasher’.

“Ok class, what is poetry, what is the true meaning of it? But first I like to give a seatwork because…” matagal siyang napatigil at napa-ngiti siya. “I just want to.”

“………….” Walang expression ang klase, sa dati kong school pag nag bigay ang teacher ng seatwork kahit hindi unang araw ng klase, ba naman e tadtad ng laway ang mukha ng teacher dahil sa mga reklamo ng mga estudyante, pano pa kaya kung first day ng klase pa. Pero dito masyadong pino ang kilos, wala ni isa mang nagreklamo. Nagsimulang mag sulat ang teacher sa board, ni hindi man lang nagpakilala. Lahat ng estudyante kumuha ng notebook at nagsimulang kumopya ng mga pwedeng topics para sa gagawing poem. May tatlong topics, di ko masyadong maintindihan dahil masyadong malalalim ang mga ginamit niya tulad na lamang ng “Peril” at “Bleak”. Ang naintindihan ko lang e yung “Menace”. Wala akong choice kung hindi yung third topic kasi wala naman akong dalang dictionary. Menace, menace, napatingin ako sa kaliwa ko at yun nagkaroon na ko ng idea – si Eric, the Menace. Maikli pa lang ang naisusulat ko ng biglang nagsalita ang teacher namin.

“Mr. Clemente” tanong niya. “Who’s Mr. Clemente?”

Sino un? Kakatawa naman parang cement.

“Here Sir,” sabi ni Eric in a Brittish accent. “Why?”

“I love to hear your poem,” naka-ngiting sabi ng teacher na parang nang-aasar.

Ano? Si Eric, Clemente ang surname? Hindi ko napigilan ang sarili kong mapangiti.

“What’s funny, Miss?” tanong ng prof namin habang nakatingin sa’kin. “I think you love to share your poem so soon. Sure, you’ll share it after Mr. Clemente.”

“Sir, I beg your pardon,” sabi ni Eric in a Brittish accent pa rin. “It’s Kli-men-tey, not Clemente, although, it’s spelled that way.”

“I liked it better when it’s Kle-men-te,” naka-ngiting sabi ng teacher. “Now, share us the poem you have made.”

Pumunta si Eric sa harap, bilib ako sa ginawa niya. Ang ikli-ikling time pero nakagawa siya ng magandang poem. Kaya lang wala sa mga topic ang ni-recite niya.

I was blind before you came, my life is described by shame

What else could there be waiting? Isn’t this just life wasting?

“Mr. Clemente, I believe your topic is invalid,” makapamewang na sabi ng prof.

“So? Poetry is expressing yourself. The poet shouldn’t be behind the bars and not under time pressure,” sagot ni Eric. “You should have the freedom in writing.”

“And I believe that you can be free by walking out of this classroom,” sagot ng professor namin. “By the way, before you get out. I’m Mr. Lennox.”

“Nice to meet you, Mr. Lennox,” walang tonong sabi ni Eric.

Palabas na ng room si Eric nang hindi ko napigilan ang sarili kong tumayo.

“Sir, I think Mr. Clemente’ has a point,” sabi ko na medyo madahan.

“Explain your idea,” maikling sabi ni Mr. Lennox.

“Poetry is expressing your feelings using words. You shouldn’t put the poet inside a box besides Mr. Clemente’s poem has an element of bleak, I think,” sabi ko.

“What’s the meaning of bleak, by the way,” tanong ni Mr. Lennox.

Hindi ako makapag-salita, hindi ako sigurado kung lonely ang meaning ng bleak. Matagal akong natahimik, ng biglang lumakad si Eric papunta sa pinto at tumingin sa’kin. Natigilan ako sa tingin niya, kumikislap ang mata niya parang na-hihypnotize ako.

“It’s alright Clowie, I also want to get out, besides this person doesn’t know the true meaning of the subject,” walang tonong sabi ni Eric. “And another thing is, bleak means…”

Sunday, March 26, 2006

Chapter 1: It all started when…

“Owi, Eli, Lex,“ sigaw ni Pao habang nilalaksan ang volume ng t.v.“Si Sam, si Sam, nasa ‘Liniment.”

“Saan, saan?” sabi namin habang natakbong papunta sa may sala.

Pagdating namin sa may sofa, tumalon ako at saktong napa-upo sa harapan ng t.v, tumigil naman sina Eli at Lex sa likod ng sofa at umupo sa sandalan ng upuan. Yan ang barkada namin, elementary pa lang – magkakasama na at gumigimmik sa iba’t ibang lugar. Pero iba na ngayon, third year highschool na kami. Ibang-iba ang Monrail Highshool sa school namin dati. Medyo malayo ang mga bahay namin sa school at tutal iisang skul lang ang papasukan namin kaya nag-decide kami na titira sa isang apartment. At third year highschool pa lang kami kaya medyo may pagkakapareho ang schedules namin, minsan nagkakapareho rin ng klase. At pagnagkataon, magiging magkaklase kami sa isang subject. Ibang-iba kasi talaga ang school na ito kaysa sa dati.

“Flash Report,” sabi sa balita at nawala ang magandang mukha ni Sam sa screen.

“Ahhhhh,” sabi namin na may tonong “sad-disappointed-and-a-little-bit-angry-because-Mr.-Gwapo-singing-on-the-tv-has-disappeared”.

“Kainis naman yan,” sabi ni Pao. “Pwede namang mamaya na lang i-announce ang balitang yan, sa kalagitnaan pa ng performance ni Sam.”

“Isang impormasyon ang nakuha ng aming reporter na siguradong ikakatuwa ng mga tiga-hanga ni Sam na pumapasok sa Monrail Highschool,” sabi sa report. Nakuha ang pansin namin ng marinig ang pangalan ng skul. “Ang nasabing singer at ang kasama niya sa kanyang banda ay papasok sa Monrail Highschool this year at nakakuha na sila ng kani-kanilang mga schedule kaya good luck na lang sa mga magiging kaklase nila.”

Then, “BOOM” nagsisisigaw kami hanggang sa mapaos kami. Nasigawan pa nga kami ng isang bakla sa katabi naming apartment.

“Hoy! Mga landitay, kung gusto niyong sumigaw ng sumigaw dun kayo sa may talahiban para naman may dahilan ang pagsisisigaw niyo!”

Nagkatinginan kami tapos sabay-sabay naming sinabi na may tonong nang-iinis-na-medyo-natatawa-na-may-halong-konting-tonong-bisaya-at-lasing.

“Ganyan talaga ‘ng buhay, walang inggitan.”

Tapos sabay-sabay kaming tumawa at tumili nang tumili. Namura pa nga kami nung bakla sa katabing apartment na medyo nabara namin kanina. Pero dahil sa sobrang tuwa namin, hindi na namin yon pinansin.

“Bukas na ang pasukan, woohhooo!!!” sigaw ko habang patalon-talon sa sofa.

“Owi, tanda-tanda mo na ganyan ka pa rin kumilos,” sabi ni Eli ng naka-ngiti.

“Ganyan talaga ‘ng buhay,” sabi ko sa tonong ginagamit namin para mang-asar.

“Walang inggitan,” dugtong ng tatlo kong kasama. At nagtawanan kami.

**************

It’s 4 o’clock in the morning, AaAaaAAaaAHHhhhhHHHhhH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Napabalikwas ako sa kama, ang sakit sa ulo ng sigaw ni Pao. Ni-record namin sa alarm clock para panggising sa umaga. Pagka-upo ko sa kama nakita ko sila na nag-aayos na para pumasok. Si Pao at Lex, nakabihis na at kumakain na ng breakfast habang pinapatuyo ang buhok nila. Si Eli naman, katatapos lang maligo at papunta sa dressing room. Ako na lang ang nasa kama pa, kailangan ko na ring kumilos. Nang nagawa ko na ang morning routines ko, ala-sais na. Kailangan na naming sumakay ng bus para hindi ma-late. Pagdating namin sa Monrail Highschool, naghiwa-hiwalay na kami at pumunta sa building ng unang subjects namin.

“Kita nalang tayo mamaya sa cafeteria,” pahabol na sabi ni Lex.

“Sige guys, text-text na lang,” dugtong ni Pao.

“Okie,” sigaw ng apat at nagmamadaling pumunta sa kanikanilang klase.

Pagpasok ko sa homeroom ko ibang-iba ang ayos ng upuan, para bang mag-tetest ka, ang lalayo kasi nila sa isa’t-isa. Umupo ako sa may pinakadulong silya sa kanan sa second to the last row. Konting sandali pa may pumasok na isang medyo may katandaan ng babae na nakasuot ng blouse at slacks at naka-salamin, siguro siya ang adviser namin, History III ang first subject ko kaya yon siguro ang ituturo niya. Nakaka-inis kasi medyo boring ang history, kaya nga yon ang una kong kinuha para hindi na ko ma-bored sa susunod. Ano na kayang ginagawa nina Pao, Lex at Eli? Nag-isip ako ng pwedeng mangyari sa ‘kin. Baka-mabunggo ko si Sam o kaya naman nahulog ako sa hagdanan tapos masambot niya. Nakikita ko ang sarili kong natakbo, madadapa ko then pupunta sa’kin si Sam tapos…

“Ms. Paterson, nasaktan ka ba?” malambing niyang itatanong. “Ms. Clowie?”

“Ms. Paterson, Ms. Clowie Paterson,” mataray na tanong ng isang boses.

Nananaginip ba ako? Bakit ganon, ang malambing na boses nawala?

“Paterson, paterson,” tawag sa’kin ng nasa likod ko. Tumingin ako sa likod, isang lalaking payat na naka-gel ang buhok ang nakita ko.

“Bakit?” tanong ko sa kanya na parang walang nangyayari.

“Nagro-roll call, ikaw na.”

“Last call for Ms. Paterson, Ms. Clowie Paterson,” sabi ng teacher.

“Ma’am, present po,” malakas na sabi ko habang tinataas ang kamay ko.

“You shouldn’t been sleeping around, dear,” mataray niyang sabi. “Next, Ms. Quijano, Ms. Nelly Quijano?”

“Present,” malakas na sabi ng babaeng naka-headband sa kaliwa ko.

Tumalikod ako ulit at tinignan ang lalaking nasa likod ko. May itsura naman siya, medyo maayos pumorma kaya lang dam-payat!

“Baket?” walang tono na tanong niya sa’kin.

“Ha?” pasimple kong sagot, napansin niya ata na nakatingin ako sa kanya.

“Bakit mo ko tinitignan?” tanong niya sa’kin habang naka-tingin din sa’kin.

Nag-iba ako ng tingin kasi bigla akong nailang sa kanya, nag-iisip ako ng pwedeng isagot pero wala akong ma-isip. Nagtanong siya ulit.

“Bakit mo ko tinitignan?”

“Ha? A…e, wala. Gusto ko lang mag-thank you kanina dun sa ginawa mo pero nagtataka lang ako kung paano mo nalaman yung pangalan ko,” sabi ko.

“Yun lang ba?” tanong niya tapos tinuro niya yung strap ng bag ko, meron nga palang pangalan ung bag ko. “Hindi mo kailangang magpasalamat, hindi ko naman ginawa yun para iligtas ka. Ginawa ko yun para hindi masayang ang buong period ng history class kakatawag ni Ms. Ross sa walang kwenta mong pangalan.”

My First Post ^_^

· Hey guys. First post, obviously. Well, i expect that u expect that i would introduce myself to you? Well, not exactly correct because i have created this blog for my stories . . . yup, teenage stories. ^_^ paki-alam mo ba? But if you reall want to know me . . . visit this site --> www.hagdanan.blogspot.com

Well, this will be my first story, it's actually not that good (what do you expect? i'm just a fourteen year old gurl.) Kung ayaw niong basahin e di wag, peace tau. 'to naman nagbibiro lang. Well anywayz... Here it goes . . .

Another thing is... read my blog upside down. What i mean is read it on the very first post and if you are reading this right now... you're on the right tracks... It's by Chapter so you won't be missing. Hope you like it. ^_^