What happens if...

Thursday, April 06, 2006

Chapter 6: =*******=

Tails. Sa’kin yung light brown. Ayos na yon, at least hindi ko na kailangang pumili.

“O,” sabi ni Lex. “Magbihis na tayo bago pa tayo akyatin nila papa.”

“Teralets,” sabi ni Pao. “Ako muna.”

Kinuha nanamin ang mga gown at isa-isang pumunta sa C.R. Naunang mag bihis si Pao, lagi naman. Kahit sa pagkain, siya ang nauuna, o kaya naman pag nasa ibang bahay kami siya lagi ang nauunang pumasok. Minsan siya rin ang nauuna bumati. Lumabas na si Pao, pumasok naman si Eli. Pagkatapos ni Eli, ako tapos si Lex. Paglabas ni Lex, nagpunta kami doon sa mirror na malaki sa may dressing room ng guest room namin. Ang ganda, parang sinukat talaga sa’min. Yung pulang damit ang pinaka-magara. Sleeveless un at plunging neckline, medyo hanggang kalahati ng binti ni Eli at may mahabang slit sa side. Walang masyadong palamuti kung hindi isang chain na silver sa may waist line. Sumunod ung itim, ang cute ng color combination. Blue at black, tapos medyo mukha siyang astig, bagay kay Pao. Hanggang tuhod niya lang iyon at medyo off-shoulders ang damit. Mukhang night-gown. Yung sa’kin naman, light brown, tapos short-sleeves na may garter ung dulo nung sleeve at parang naka-lobo. At teka, ngayon ko lang napansin. Sa harap, sa part ng dibdib e may mga lace na naka-crisscross at may pink na tela sa loob nun, may mga butas ung crisscross na tali kaya kita ung pink na tela. Tapos medyo 2 inches below the knee. Ang cute, mukhang pambata pero bagay naman sa’kin. Yung kay Lex naman ang pinaka-simple, isang long-sleeve na plain white na may mga bulaklak hanggang tuhod lang din yon. Hindi ko ma-explain pero mukha talaga kaming mga prinsesa, para bang pina-sadya ang mga damit na iyon.

Tok, tok, tok. May nakatok sa pinto.

“Pasok,” malakas na sabi ni Pao. Isang maid ang pumasok dala-dala ang mga isu-suot namin sa paa. Ang cute. Silver sandals ang kay Eli, maninipis na strap lang ang nagtatakip sa maliliit na parte ng paa na malapit sa mga daliri niya, 2 inches yung takong, sakto sa damit. Medyo simple. Ung kay Pao naman, black parang katulad din ng kay Eli pero mas simple at 1 inch lang ang takong medyo matangkad kasi siya. Sa’kin naman, boots, oo, boots. Leather na dark brown na boots, para akong haciendera. May outline lang na lightbrown dun sa boots. Ang kay Lex naman, flat ung sandals. May lace siya na crisscross hanggang sa kalahati ng binti. Ung parang sa mga ballerina, pero open nga lang. Tapos na kaming mag ayos at pinatawag na kami nina papa. Nandon na daw yung mga kasosyo nila. Wala talaga akong masabi sa mga damit namin, si Eli parang yung mga mayayaman na contrabida sa isang tele-novela. Un bang napaka-HOT tignan, ung tipong mga leading lady ng mga big boss na kasali sa isang sindikato. Si Pao naman, parang ung sa little mermaid na naging tao. Ung si Ursula ng naging isa siyang magandang binibini. Ako naman parang ung sa mga hacienda nga. Ung mga tipong sumasakay sa kabayo at may isang mansion. Si Lex naman, siya ung parang laging ina-api ng mga contrabida, tapos nagiging mukhang anghel pag may mga okasyon. Ayos pwede na kaming gumawa ng telenovela.

Pagbaba namin, ‘click’ ‘click’ puro mga flash ng camera ang sumalubong sa’min. Ano ‘to press con?

“Wow, ang ganda ng hall,” sabi ni Pao.

“…” wala kaming masabi puro ngiti lang. Syempre may camera, dapat project. Konting flash pa ng camera at nagsalita na si lolo.

“Welcome, ladies and gentlemen. I would like to introduce you my granddaughters.”

Blah, blah, blah… hindi na ko masyadong nakikinig kasi naboboring ako, isa pa – inaantok na ko. Nakuha lang ang pansin ko ng sinabi ni lolo na nandoon na daw yung mga ma-e-engage samin. Kinakabahan ako, sana naman hindi gurang, yung tipo bang 20 years older sa inyo. Naman ayokong ipagpalit si Sam sa gurang noh. Umakyak na sa stage ang apat na lalaking naka-mask. Well, naka-mask din naman kami. Kaya quits lang. May inabot sa’ming sulat ang isa sa mga bodyguards nila papa. Eto yung nasa sulat:

Ladies, kung sino man ang magiging kapareho niyo ng outfit ay siya ang magiging partner niyo. Ma-e-engage kayong apat sa apat na lalaking ito, at pag inannounce namin umarte kayong alam niyo na ang lahat. Remember, this is business. Good luck!

Ganyan din ang sulat kay nina Lex. Kung ganyan din ang sulat sa mga lalaki na naka-maskara, e hindi ko alam. Apat sila, tatlo naka-tuxedo, ung isa parang pang-cowboy ang dating. Ung tatlo pare-parehong itim ang tuxedo, nagkakaiba sa mga panloob na polo. Out standing ung naka-cowboy, para bang tinadhana talaga kami. Kung sino yun, wala pa akong clue. Hindi ko na napansin kung pano natawag ni lolo ang una sa mga lalaki, kung nag introduction pa siya o simpleng sinabi lang ang pangalan. Basta alam kong naka-tayo na siya sa harap at tinawag ang pangalan ni Pao.

“Pauline and Chrisian,” announce ng lolo ko. Palakpakan, nagpunta si Pao sa harap at humawak dun sa lalaki.

“Alexis and Wallace Alonzo,” announce ng papa ni Eli, co-host ata ni lolo. Tumayo ang lalaking may pulang polo at pumunta sa harapan, ganun din si Lex.

Nagkatinginan kami ni Eli sa isa’t isa, kaming dalawa na lang. Sino kaya ang mapupunta sa’min? Bago matawag ang pangalan ko, may sinulat si Eli sa likod ng papel na binigay sa’min kanina at binigay sa’min. Kinuha ko at binasa.

Clow, di mo ba napapansing kapangalan nila yung dalawang guitarist ng banda nila Sam? Si Wallace, yung rhythm guitar at si Christian, sa bass guitar.

Oo nga noh?! Hindi kaya sina Sam ang nasa likod ng maskarang natitira. Pero kanino mapupunta si Sam? At sino yung isa pa?

“Clowie and…” sabi ng lolo namin. Kinakabahan ako.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home