What happens if...

Thursday, April 20, 2006

Chapter 7: That guy

Thursday, April 06, 2006

Chapter 6: =*******=

Tails. Sa’kin yung light brown. Ayos na yon, at least hindi ko na kailangang pumili.

“O,” sabi ni Lex. “Magbihis na tayo bago pa tayo akyatin nila papa.”

“Teralets,” sabi ni Pao. “Ako muna.”

Kinuha nanamin ang mga gown at isa-isang pumunta sa C.R. Naunang mag bihis si Pao, lagi naman. Kahit sa pagkain, siya ang nauuna, o kaya naman pag nasa ibang bahay kami siya lagi ang nauunang pumasok. Minsan siya rin ang nauuna bumati. Lumabas na si Pao, pumasok naman si Eli. Pagkatapos ni Eli, ako tapos si Lex. Paglabas ni Lex, nagpunta kami doon sa mirror na malaki sa may dressing room ng guest room namin. Ang ganda, parang sinukat talaga sa’min. Yung pulang damit ang pinaka-magara. Sleeveless un at plunging neckline, medyo hanggang kalahati ng binti ni Eli at may mahabang slit sa side. Walang masyadong palamuti kung hindi isang chain na silver sa may waist line. Sumunod ung itim, ang cute ng color combination. Blue at black, tapos medyo mukha siyang astig, bagay kay Pao. Hanggang tuhod niya lang iyon at medyo off-shoulders ang damit. Mukhang night-gown. Yung sa’kin naman, light brown, tapos short-sleeves na may garter ung dulo nung sleeve at parang naka-lobo. At teka, ngayon ko lang napansin. Sa harap, sa part ng dibdib e may mga lace na naka-crisscross at may pink na tela sa loob nun, may mga butas ung crisscross na tali kaya kita ung pink na tela. Tapos medyo 2 inches below the knee. Ang cute, mukhang pambata pero bagay naman sa’kin. Yung kay Lex naman ang pinaka-simple, isang long-sleeve na plain white na may mga bulaklak hanggang tuhod lang din yon. Hindi ko ma-explain pero mukha talaga kaming mga prinsesa, para bang pina-sadya ang mga damit na iyon.

Tok, tok, tok. May nakatok sa pinto.

“Pasok,” malakas na sabi ni Pao. Isang maid ang pumasok dala-dala ang mga isu-suot namin sa paa. Ang cute. Silver sandals ang kay Eli, maninipis na strap lang ang nagtatakip sa maliliit na parte ng paa na malapit sa mga daliri niya, 2 inches yung takong, sakto sa damit. Medyo simple. Ung kay Pao naman, black parang katulad din ng kay Eli pero mas simple at 1 inch lang ang takong medyo matangkad kasi siya. Sa’kin naman, boots, oo, boots. Leather na dark brown na boots, para akong haciendera. May outline lang na lightbrown dun sa boots. Ang kay Lex naman, flat ung sandals. May lace siya na crisscross hanggang sa kalahati ng binti. Ung parang sa mga ballerina, pero open nga lang. Tapos na kaming mag ayos at pinatawag na kami nina papa. Nandon na daw yung mga kasosyo nila. Wala talaga akong masabi sa mga damit namin, si Eli parang yung mga mayayaman na contrabida sa isang tele-novela. Un bang napaka-HOT tignan, ung tipong mga leading lady ng mga big boss na kasali sa isang sindikato. Si Pao naman, parang ung sa little mermaid na naging tao. Ung si Ursula ng naging isa siyang magandang binibini. Ako naman parang ung sa mga hacienda nga. Ung mga tipong sumasakay sa kabayo at may isang mansion. Si Lex naman, siya ung parang laging ina-api ng mga contrabida, tapos nagiging mukhang anghel pag may mga okasyon. Ayos pwede na kaming gumawa ng telenovela.

Pagbaba namin, ‘click’ ‘click’ puro mga flash ng camera ang sumalubong sa’min. Ano ‘to press con?

“Wow, ang ganda ng hall,” sabi ni Pao.

“…” wala kaming masabi puro ngiti lang. Syempre may camera, dapat project. Konting flash pa ng camera at nagsalita na si lolo.

“Welcome, ladies and gentlemen. I would like to introduce you my granddaughters.”

Blah, blah, blah… hindi na ko masyadong nakikinig kasi naboboring ako, isa pa – inaantok na ko. Nakuha lang ang pansin ko ng sinabi ni lolo na nandoon na daw yung mga ma-e-engage samin. Kinakabahan ako, sana naman hindi gurang, yung tipo bang 20 years older sa inyo. Naman ayokong ipagpalit si Sam sa gurang noh. Umakyak na sa stage ang apat na lalaking naka-mask. Well, naka-mask din naman kami. Kaya quits lang. May inabot sa’ming sulat ang isa sa mga bodyguards nila papa. Eto yung nasa sulat:

Ladies, kung sino man ang magiging kapareho niyo ng outfit ay siya ang magiging partner niyo. Ma-e-engage kayong apat sa apat na lalaking ito, at pag inannounce namin umarte kayong alam niyo na ang lahat. Remember, this is business. Good luck!

Ganyan din ang sulat kay nina Lex. Kung ganyan din ang sulat sa mga lalaki na naka-maskara, e hindi ko alam. Apat sila, tatlo naka-tuxedo, ung isa parang pang-cowboy ang dating. Ung tatlo pare-parehong itim ang tuxedo, nagkakaiba sa mga panloob na polo. Out standing ung naka-cowboy, para bang tinadhana talaga kami. Kung sino yun, wala pa akong clue. Hindi ko na napansin kung pano natawag ni lolo ang una sa mga lalaki, kung nag introduction pa siya o simpleng sinabi lang ang pangalan. Basta alam kong naka-tayo na siya sa harap at tinawag ang pangalan ni Pao.

“Pauline and Chrisian,” announce ng lolo ko. Palakpakan, nagpunta si Pao sa harap at humawak dun sa lalaki.

“Alexis and Wallace Alonzo,” announce ng papa ni Eli, co-host ata ni lolo. Tumayo ang lalaking may pulang polo at pumunta sa harapan, ganun din si Lex.

Nagkatinginan kami ni Eli sa isa’t isa, kaming dalawa na lang. Sino kaya ang mapupunta sa’min? Bago matawag ang pangalan ko, may sinulat si Eli sa likod ng papel na binigay sa’min kanina at binigay sa’min. Kinuha ko at binasa.

Clow, di mo ba napapansing kapangalan nila yung dalawang guitarist ng banda nila Sam? Si Wallace, yung rhythm guitar at si Christian, sa bass guitar.

Oo nga noh?! Hindi kaya sina Sam ang nasa likod ng maskarang natitira. Pero kanino mapupunta si Sam? At sino yung isa pa?

“Clowie and…” sabi ng lolo namin. Kinakabahan ako.

Tuesday, April 04, 2006

Chapter 5: Chance or Choice

…1. Bakit ganon? Tumatakbo parin ako? Bakit wala pa akong nababangga? Parang wala akong mababanga. Pero malapit na si Sam sa’kin kanina, imposibleng hindi ko siya mabangga o di kaya…

“Aray,” sigaw ko, nabangga ko na yata si Sam. Yeeee…

“Ano ba?” sabi ng nabuggo ko. “Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan e.”

Patay. Bakit hindi kaboses ni Sam? Pero bakit pamiliar ang boses? Tinignan ko kung sino yung nabangga ko at… oh no!

“Eric?” tanong ko, hindi pa rin ako nakakatayo sa pagkakatumba ko.

Paterson,” sabi ni Eric at ang mukha niyang galit ay napalitan ng ngiti, isang nakakatakot na ngiti, yun para bang nagbabait-baitan lang.

“A…e…” sabi ko. Anong gagawin ko, anong sasabihin ko? Magso-sorry ba ko?

“i…o…u…” dugtong niya ng natatawa.

Napapatawa din ako, oo gasgas na yun, gasgas nanaman pero iba talaga pag siya ang nagsasabi. Para bang may… charm…oo, charm. Buit na lang ngiti lang ang nagawa ko.

“San ka ba pupunta?” tanong niya at yumuko, hinatak ang kamay ko at tinayo ako. “Bakit ka ba kasi natakbo ng naka-pikit?

“Ha? A…e…sa building 5,” sagot ko. Hindi ko na sinagot yung unang tanong kasi kung sasabihin ko sa kanya kung baket, e baka tumawa lang ‘tong kumag na ‘to.

“Building 5?” tanong niya sa’kin. “Dun din ako eh. South Wing?”

“Ahh… sige mauna na ko. Baka ma-late pa ko sa klase,” sabi ko. Sana hindi kami magkaklase sa last period, tama na yung first period. Kailangan kong maka-alis baka tanungin pa niya ako kung pwedeng magsabay pa kami sa pagpunta doon. Paalis na ko.

“Sige, kita na lang bukas,” sabi ko ng naka-ngiti at tumalikod.

“Teka lang,” pahabol niya. “Sabay na tayo.”

Anon pa nga bang magagawa ko?

“Ok,” payag ko. Tumakbo siya papunta sa tabi ko at kinuha ang bag ko.

“Ako ng magdadala,” sabi niya pero hindi ko binigay.

“Hindi na. Wag na, hindi kasi ako kumportable pag walang bag.”

Hindi nanaman niya ako pinilit pa. Di tulad ng ibang mga lalaki. Pagdatingg namin sa South wing ng building 5. Tinanong niya ako kung anong room ang klase ko.

“Anong room ang next class mo?”

“Ako? Room 120.”

“Ha? Ako din.” Sabay tumawa siya. Ano bang nakakataw dun?

Nakarating na kami sa room, pagpasok ko, medyo marami na din ang estudyante. Ayun, may dalawang upuang bakante. Papunta na ko dun ngmay umupo na isang lalaki, siya yata yung nagbalik ng rattle ko. Xyrus? Oo, Xyrus ang pangalan. Nakita ko siya na tumingin sa’kin. Akala ko hindi niya ko papansinin pero ayan siya kumakaway. Tumingin ako sa paligid pero ako na lang ang tao sa may pinto. Nasaan si Eric? Lokong yun, sabi ko na iiwanan ako nun. Kaiinis. Lumakad ako papunta kay Xyrus pero nang paupo na ako sa katabing upuan ni Xyrus, bigla akong hintak ni Eric.

“Dito tayo,” sabi niya at hinila ako papunta sa likod ng upuan ni Xyrus.

Hindi ako pumalag at sumunod. Bakit ganon? Nakakainis, hindi nanaman ako naka-angal. Malas, pero di bale nasa harap ko naman si Xyrus. Isa pa, kitang-kita pag lumingon si Xyrus para tignan ako.

Asa pa Clowie, Asa ka pa!

Tumahimik na ang klase dahil pumasok ang isang masungit na teacher. Babae, medyo may pagkatanda na at naka-salamin pa. Medyo boring sa klase niya, hindi man lang siya tumatayo. Bakit ganon? Music nga pala ang klase niya, pero puro nota ang tinuturo niya sa’min, walang music… wala akong naririnig. Buong peiod kong tinititigan si Xyrus at hinihintay na tumingin sa’kin. Pero wala. Walang tingin o kahit sulyap man lang.

“Ok class, goodbye,” sabi ng teacher.

Naglabasan na ang mga kaklase ko pero nag-aayos pa ako ng gamit. Pagtingin ko, kaming dalawa na lang ang naiwan ni Xyrus. Pati si Eric, nawala na din. Kala ko papansinin ako ni Xyrus. Akala ko, kakalbitin niya ko. Pero wala, walang boses na tumawag sa pangalan ko. Tumingin ako sa kanya pero paalis na siya, palabas na ng room. Pag bukas ng pinto, nakita ko si Eric, sumilip.

“Hoy Paterson, wala ka bang balak umuwi?” sigaw niya.

Wala akong naisagot kung hindi lumapit sa kanya at lumabas na rin ng room.

“Sabay na tayo umuwi,” yaya niya. “Hatid na kita.”

Ano ba ito? Nanliligaw? Pero kakakilala pa lang namin. Ang bilis niya naman, presko pa, ano ba sa akala niya, sasagutin ko siya?

“Ha? A… e…may sundo kasi ako,” pagdadahilan ko.

“E di pauwiin mo na, sabihin mo ihahatid na lang kita.”

Ano ba ‘to? Ang bilis talaga. Wala akong maisagot, buti na lang tumunog ang cell ko, si tita Francine, pero bakit?

“Excuse me,” sabi ko at lumayo muna sa kanya.

“Hello? Tita, bakit po?” tanong ko.

“Kamusta ang pasok?”

Napa-ngiti ako, minsan lang mag-alala si tita Francine ng ganito.

“Ok naman po, masaya dito,” sagot ko.

“Umuwi ka dito sa rest house, yung sa may Laguna, sama mo sina Lex. Bye.”

Hindi na ko nakapagpaalam dahil binaba na niya ang phone.

“O ano? Papayag ka na ba?” tanong sa’kin ni Eric.

Asa pa ‘to. Ano ka sini-swerte?

“Hindi pwede, kailangan kong umuwi sa resthouse namin sa Laguna.”

“Sakto, pinapupunta din ako ni papa sa may resthouse namin sa Laguna.”

“Ows? Nay baka niloloko mo lang ako, batok ka sa’kin,” sabi ko.

“Hindi, promise pinapapunta talaga ako.”

“Hindi nga? Baka gusto mo lang akong sundan.”

“Kung ano-ano na namang iniisip mo. Daydreaming?”

“Oo na. Sige na. Pero dapat kasama mga kaibigan ko.”

“Sure, pero dadaanan muna natin sina Sam ha.”

“Sam? Sinong Sam?” tanong ko.

“Yung kaibigan ko. Hindi mo kilala? Kaklase nga natin nung first period.”

“Sam, as in Samuel Cortez?” tanong ko.

“Oo,” sagot niya. “Bakit ba hindi ka makapaniwala?”

“Yung vocalist, ung artista, ung may banda?” sunod-sunod kong tanong.

“Oo,” sagot ni Eric. “At ung banda nila alam mong pangalan?”

“Hindi pa e. Pero gusto ko yung revivals nila.”

“Ganun ba? Nakita mo na ba yung banda?” tanong ni Eric.

“Nope. Di pa kasi sila lumalabas sa t.v.”

“Well ngayon makikita mo na yung apat sa on-stage performance.”

“Talaga lang ha,” sabi ko. Sana nga totoo.

Tinext ko sina Pao para sabihin ang sinabi ni tita Francine. Sabi ko susunduin ko sila sa apartment mga 6 kaya mag ready na sila. Pumunta ako sa car namin para magpaalam sa driver.

“Kuya, hindi na po ako sasabay. Umuwi na po kayo.”

“Opo, ma’m. Mag-ingat po kayo,” sabi niya at sumilip kung sino ang kasama ko. “O, sir Eric, long time, no see. Sige po. Aalis na po ako.”

Umalis na ang driver ko.

“Magkakilala kayo?” tanong ko kay Eric.

“Oo naman. Kami ang unang naging amo ni Bob.”

“Galing noh?… Small world.”

“Tera na, baka naiinp na sila Sam.”

Sumakay na kami sa van nina Eric, tahimik lang ako sa loob. Ang ganda, hindi ko namalayan na nasa harap na pala ng bahay nina Eric. Bumukas ang pinto ng kotse at pumasok sina Sam at dalawa pang lalaki. Tatlo lang sila? Kala ko ba apat ang makikita ko? Hindi kaya si Eric ang isa pa? Imposible, pero bakit tatlo lang sila?

“Paterson, pinakikilala ko sa’yo ang ‘Awar-group’,” sabi ni Eric.

“Kasama ka?” tanong ko. Biglang napatawa ang mga kasama namin sa kotse.

“Yeah,” sabi ni Sam sabay tawa at kinindatan ako.

Kinindatan niya ko? Totoo ba ‘to? Kinindatan niya talaga ako.

“Syempre, e di wala silang drummer?” sagot ni Eric na parang natatawa din.

“Doon tayo sa apartment nila Paterson,” sabi ni Eric sa driver.

Tahimik lang ako, at nakikitawa sa kanila. Mabilis kaming nakadating sa apartment namin. Pagbukas nina Lex ng pinto, hindi sila makapaniwala. Parang na-glue yung mga paa nila, hindi sila nagalaw doon.

“Lex,” tawag ko. “Hoy Lex.” Hindi pa rin sila gumagalaw.

“Miss, miss,” tawag ni Sam habang kinakaway ang kamay niya sa mukha nila.

Na-tauhan ang tatlo, at pumasok sila sa loob ng van. Medyo malaki ang van ni Eric. Magkaharap ang upuan ng lalaki at babae, medyo may dalawang oras din ang biyahe papunta sa Laguna. At sa loob ng dalawang oras na iyon, puro kami kwentuhan ng mga spoofs namin at tawanan. Nang nakarating kami sa rest house namin, nagpaalam na kami sa kanila. Pagpasok namin sa rest house, nandon ang mga parents namin.

“Girls, mag-ayos kayo. Dadating dito ang mga ka-sosyo namin sa business,” sabi ng daddy ni Lex. “Pag-uusapan na natin ang mga future niyo.”

“Anong future, tito?” tanong ni Pao pero hindi siya pinansin ni Tito Arnel.

“Halika na, girls,” anyaya ni Tita Kim, asawa ni tito Arnel.

Umakyat na kami. Pagdating sa guest room, nakahalera ang mga bistida sa kama. May red, may light brown, may white, at may black. Ang gaganda.

“Mamili kayong mabuti sapagkat yan ang magiging desisyon ng future nio,” sabi ni Tita Kim. “Naka-fixed marriage na kayo sa mga anak ng kasosyo ng mga papa nio.”

“Ano? Ipapakasal na kami agad?” tanong ko.

“Hindi, pero i-eengage kayo, next month na,” sagot ni Tita Kim.

“Hindi pwede, hindi ako papayag,” tutol ni Pao.

“Pao, parang hindi mo kilala sila Papa,” sabi ni Lex. “Hindi na tayo makakatanggi, kailangan natin silang sundin. Wala tayong magagawa.”

“Tama si Lex, Pao,” sang-ayon ko. “Wala ng pag-asa.”

“So pano? Pipili na ba ng damit?” naka-ngiting tanong ni Eli.

“Sige,” sang-ayon ko. “Pero, unahan ha.”

“Oo ba,” sagot ng tatlo.

“Ok, ready,” sabi ko habang naghahandang tumakbo. “Set…”

“Takbo…” sigaw namin.

Anong pipiliin ko? Lahat sila gwapo, pero gusto ko pa rin si Sam, anong pipiliin ko? Yung red? Ayoko, masyadong pang-akit yon. Parang masyadong hot, hindi naman ako hottie. Siguro mas bagay iyon kay Eli. Yung white? Maxadong malinis, hindi ako magiging komportable. Pang mga mahihinhin iyon, pang mga mababait, yun bang tipong nasunod sa mga magulang ng walang reklamo. Bagay yon kay Lex, pero baka iyon ang piliin ni Sam. Pero ayoko talga non, isa pa kung talagang kami ni Sam ang tinadhana, magiging magkapareho kami. Black at brown na lang. Ayoko ng black, malimit ganong kulay ang suotin ko. Isa nga iyon sa mga paborito kong kulay, pero sa pagkakataong ito, ayoko talaga ng black. Masyadong common, gusto ko maiba naman. Light brown na lang ang natitira, ano nga bang meron sa brown na ‘to? Maganda rin naman siya tulad ng iba, pero ayoko ng brown. Ayoko, kailangan ko ng pumili. Yung puti o brown? Parang may nagsasabi sa’king puti, puti ang piliin mo.

“Akin to,” sigaw ni Eli. Sabi ko na nga ba, pula ang pipiliin niya.

“Eto sa’kin,” sigaw ni Pao. Black, black ang pinili niya.

Puti o brown? Puti o brown? Hahayaan ko na munang pumili si Lex. Para sa’kin na yung matititira at least hindi ako mag sisisi kung mali ang napili ko. Napatingin ako kay Lex. Natingin din siya sa’kin, pareho kaming hindi pa gumagalaw sa kinatatayuan namin.

“Ikaw ng mauna,” sabi niya sa’kin.

“Ayoko, ikaw na muna.”

“Ayokong pumili, gusto ko yung destined para sa’kin,” sabi ni Lex.

“Pareho lang tayo,” sabi ko. “Toss coin na lang para malaman. Kung kanino yung puti at brown. Kung kaninong side ang lumabas sa kanya yung puti.”

Naglabas ako ng isang coin, limang piso.

“Ano sa’yo?” tanong ko kay Lex.

“Papiliin na lang natin sila Eli,” sagot niya.

“Eli, Pao,” tawag ko. “Kayo mag-assign samin kung anong side ng coin.”

“Ang arte, arte nitong dalawang ‘to,” sabi ni Pao. “ O sige na …”

“Sa’yo yung heads,” pareho nilang sinabi. Sabay na sabay. Parang tinadhana.

“O,” sabi ni Lex. “Ibig sabihin sa kin ang tails.”

Hinagis ko ang coin at hinintay namin iyon bumagsak sa lapag. Tak, tumalbog na at umiikot, pahina na ng pahina at ayun tumigil na. Bahala na.